President Duterte critic Kevin Mandrilla fires a new

This UP grad named Kevin Mandrilla is making rounds online after a series of posts he recently shared in his Facebook account criticizing President Duterte.


Here are his three viral posts he shared recently that instantly received different reactions from the President's supporters.

1. Naniniwala talaga kayo na anti-corruption si Duterte?


Kung item lang ito sa exam, ito yung multiple choice question na pamigay. As in tatlo tapon agad dahil ang linaw naman kung ano ang tamang sagot.



Anti-corrupt pero mga ka-alyado Marcos, Arroyo, Estrada, et cetera, et cetera. Di pa makapaglabas ng bank records. Lahat na ata nang nabubulok in the big dumpsite we call Philippine politics, dumikit na kay Duterte na parang mga linta. Tapos anti-corrupt pa rin? Hindi ba kayo kinikilabutan? Bilib na bilib na kayo sa panaka-nakang pagtanggal ng tao sa gobyerno eh ang dali-dali namang gawin nun kung tutuusin.



Ang mas malaking tanong ay binabangga niya ba talaga ang mga dapat banggain. Obviously hindi. Mga tropa nya e.



Hindi ba kayo makakahinga kapag lumingat lang kayo kahit sandali para tignan kung ano ba talaga ang tunay na kulay ni Duterte? Ang OA ah. Buti sana kung kayo lang maapektuhan pero damay buong bansa sa pagbubulag-bulagan ninyo.





2.  Kapag disente ka magsalita, naiinis sila. Plastik daw. Kapag naman ginaya mo yung paraan ng pagsasalita nila, naaasar pa rin sila dahil bastos daw at parang hindi raw nagaral.


Kapag nag-English ka, masyado ka raw nagmamagaling. Kapag nag-Tagalog naman, hindi rin naman papakinggan ang sinasabi mo kun'di mumurahin ka lang at sasabihan ng kung anu-ano.



Ang nagiging malinaw lang sa bawat pag-atake nila ay hindi naman talaga ito tungkol sa wikang gamit o kung paano ka magsalita.

Ang gusto lang nila ay manahimik ka. Hindi nila matanggap na may mga taong pumapalag sa dami nila, mga taong ayaw uminom sa parehong basong nakapagpalasing sa kanila.


Lalong-lalo na kapag bata ka. Ang dalas maliitin ng sinasabi mo kesyo hindi ka pa buhay nung panahon ni kopong-kopong at marami ka pang dapat kaining bigas.



Puwes, ito ang tanong ko sa kanila.



Dahil lang sa galit ninyo sa dilaw, hinayaan niyo na lang ang gobiernong ito na pumatay nang libu-libong Pilipino? Hinayaan nyo lang din na gawin tayong katatawanan ng mundo at hinayaan nyo na lang maliitin tayo ng gobiernong Tsino. Uulitin ko, dahil lang galit kayo sa dilaw. Napakababaw.



At dahil pinagmamalaki ninyo ang edad ninyo -- ibig sabihin sa tanda ninyong yan, ganun pa rin kayo kadaling paniwalain at paikutin? Nasabihan lang kayo ng change is coming bumigay agad kayo. Ang dami nyo nang naranasan at narinig na mga pulitiko tapos sa isang iglap, dahil lang sa isang tao, nakalimutan nyo na agad ang mga bagay na dapat alam nyo na. Ilang beses ba tayo dapat madala sa mga politikong mahilig mangako para lang manalo?



Ipapaalala ko lang na kayo ang dapat gumagabay sa mga kabataan pero bakit kayo mismo ang naliligaw? Ang dami nang ginawang kalokohan ni Duterte pero wala lang sa inyo.



At sino ang nakikinabang sa huli? Kayo ba? Mga anak nyo ba? Ang bansa ba? Hindi. Lahat ng ito para lang sa isang politiko na ang pinakaplataporma na ay pumatay ng tao.




3. There are things that you just don't say in public. If you can't make that joke in the workplace as an ordinary employee, then chances are the President of the Republic shouldn't be making that joke either.



We don't carry the full weight of our flag on our shoulders but HE DOES in every waking hour and everywhere he goes. Proper decorum is the least of what is expected of him as a head of state. What's worse is that he made a joke about an issue that his own administration made lethal for ordinary people.



This is beyond what one finds offensive or not. This is also not just about our idea of hiya or decency. This has now become about a President who can't be made accountable for his actions thanks to a democracy bent out of shape.



He does because he can, because there are no immediate consequences and because time and again he has seen millions of his supporters become willing accomplices to his serial misdemeanor. He's okay and happy with an army of apologists, so why bother?



There are twin ironies here. Firstly, there's the audacity of the DDS to call him 'tatay.' Secondly, their crowd are mostly the type who would nominate the lack of discipline as the root cause of our big problems.



*Stretching my neck*



There's nothing fatherly about drunken-like incoherence and terrible behavior. Idealizing him as a 'father of the nation' is an unhealthy fantasy for you and for all of us.



Finally, maybe before any of the DDS or the President himself taunt us with the gauntlet of discipline, it would do you good to check if you haven't pissed yourselves with hypocrisy. If Duterte is the man you associate with discipline then we are in much deeper trouble than currently thought.



You don't owe him anything. Call him out when it's clear that you have to. If you have to stay on that side then at least set some boundaries for your own sake. Don't risk everything. He's not worth it.

Here are some of the social media reactions:



No comments