Latest News

KINABIT NI MISIS ANG BOSS NIYA AT ANG BOSS NG KANYANG MISTER, Parang 3 in 1 coffee lang!

Dumulog kay Idol Raffy si Aljune Barrios, isang Safety Officer dahil sa problema niya sa kanyang misis na si Benz Daoa na isang Site Engineer. 



Mayroon daw silang isang taong gulang na anak ngunit malaki ang duda ni Aljune kung siya ba talaga ang tunay na ama nito. 

Hindi raw kasi inapelyido sa kanya ni Benz si baby at ang mas matindi, noong nasa ospital pa si Benz at kapapanganak pa lang, hindi man lang siya pinapasok ng kuwarto ng kanyang misis para makita at mahagkan ang kanilang first baby. Sa halip, mas nauna pa itong kargahin ng kanyang kumpare at boss sa trabaho na si Jeffrey Del Pilar, Safety Manager ng Concrete Masters Inc. 

Animoy sampal daw ang tagpong iyon kay Aljune pero kinain na lang daw niya ang kanyang pride at pinalampas ang pangyayari. Ngunit mas lalo siyang nagulat nang ang boss naman ni Benz na si Marshall Damong, Plant Manager ng Trevi Foundation ay magpunta ng ospital at kinarga rin ang kasisilang lang na sanggol.


Dahil sa mga pangyayaring ‘yon, mas lalong tumindi ang hinala ni Aljune na isa sa mga ito ang tatay ng baby lalo pa’t mayroong mga nakakarating na balita sa kanya na naging kalaguyo ni Benz ang mga boss nilang pareho. At ngayon, tila nag papaligsahan pa ang dalawang mga boss sa pagkarga sa baby.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon na makuha ang panig nina Benz, Jeffrey at Marshall noong kapanayim si Aljune ni Idol Raffy sa Aksyon sa Tanghali dahil hindi matawagan ang kanilang mga cellphone.

Source: Raffy Tulfo in Action

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.