"Kami po ay nakikiusap sa lahat ng kabahayan na aabutan ng ating relief distribution team o FRONTLINERS na iwasan po natin ang mga ganitong pangyayari at lalo na ang paninira ng pagkain na ipinamamahagi ng ating Mabalacat City Government.
"Nauunawaan po natin na 4 na relief packs ang hinihingi nila at kung dalawa lamang ang kayang iabot sa ngayon ay tanggapin na lamang po sana imbes na itapon sa kalsada. Maaari din naman po ang makiusap ng maayos.
"Paalala po lamang na kumalma tayo, magrespetuhan at magpasensyahan lalo na itong panahon ng krisis," ayos sa Facebook page ng Mabalacat City Pamapanga.
No comments:
Post a Comment