Latest News

Sanggol na bagong silang, nag-positibo agad sa COVID-19

Ilang minuto pa lamang mula nang ito'y ipanganak, nagpositibo na agad sa COVID-19 ang isang sanggol sa London. Ito ang pinakabatang kaso na naitala mula nang kumalat ang virus sa UK.


Ayon sa ulat ng The Guardian, dinala ang ina ng bata sa ospital dahil sa sintomas nito ng pagkakaroon ng pneumonia. Inabot ito ng panganganak sa North Middlesex Hospital sa Enfield at doon pa lamang niya nalamang positibo pala siya sa coronavirus (COVID-19).



Ang masaklap, maging ang kanyang kasisilang pa lamang na sanggol ay tinamaan din ng naturang virus. Sa ngayon inaalam pa ng mga doctor kung paano nahawaan ang sanggol. 

Ayon sa mga mga doctor, inaalam pa nila kung ang sanggol ay nahawaan mula sa sinapupunan o pagkatapos na siya'y isinilang. 

Sa ulat ng The Sun, sa kasalukuyan ang sanggol ay ginagamot pa sa ospital pero ang nanay nito ay dinala sa specialist infections hospital.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.