Nagdesisyon ang isang bulag na si David Coper na maglakad nalang sana pauwi ng Pampanga dahil nawalan daw umano ng trabaho at walang natanggap na ayuda.
Source: GMA News / MarkJhon Johnson
Ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras" nag-aalala daw si Coper sa kalagayan ng kanyang mga anak at 83 anyos na ina na naiwan sa Pampanga. Kaya maski delikado man sa kanyang kalagayan, nagpasya siyang umuwi maski pa maglakad nalang.
Naabutan ng lockdown si Coper dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon. Sa tulong ng mabubuting loob na netizen ay naihatid pauwi si Coper na isang masahista sa Quiapo. Isa si Coper sa mga marami pang manggagawa na naapektuhan ang hanapbuhay nang ideklara ang ECQ sa Luzon.
Mabuti nalang ay naabutan siya ng isang netizen sa si Ron Escaño sa Araneta Ave. sa Quezon City.
“Napansin namin na siya ay bulag dahil may gamit siyang tungkod habang naglalakad. Huminto kami saglit para mag-abot ng kaunting tulong,” kuwento ni Ron.
Source: Ron Escaño / Facebook
Dito na nila nalaman ang plano ni Coper. Dahil hindi nila alam kung saan puwedeng lumapit, minabuti nilang kunin ang number ng bulag upang maupdate man lang sa kanyang paglalakad. Nag-post na rin siya sa Facebook upang mapansin ng mga awtoridad o concerned citizens na pwedeng tumulong sa kanya.
Sa kabutihanng palad may isang concerned citizen na nakipag-ugnayan sa mga pulis sa NLEX upang maihatid siya mula Valenzuela hanggang San Fernando, Pampanga sakay sa isang delivery truck. Mula roon ay sinundo na siya ng mga tauhan ng kanilang barangay uang maihatid siya sa kanilang tahanan.
Subrang saya at pasasalamat niya dahil sa natulungan siyang makauwi.
“Makakatulog na siguro ako. Palagi kong iniisip ang mga anak ko. ‘Di ako makatulong araw araw, ma’am, e. Hindi ako nakakatulog sa gabi. Nag-aalala ako sa mg anak ko na paano na? At saka nanay ko na 83 years old, ma’am e,” aniya sa isang panayam sa GMA News.
“Sa mga tumulong sa akin lalo na sa barangay na nag-rescue sa akin, maraming salamat! Sana ay pagpalain pa sila ng Panginoon. Saka sa paglalakad ko sa daan, mga nag-aalala at tumulong sa akin, maraming salamat po sa kanila,” dagdag pa niya.
Source: Facebook, YouTube
Source: Facebook, YouTube
0 Comments