Latest News

Ilang beneficiaries ng Social Amelioration Program ng gobyerno arestado dahil sa pagsasabong at ipinagbili pa umano ng droga



Dalawa sa mga inaresto sa Bacoor, Cavite dahil sa pagtutupada ay beneficiary pa umano ng Social Amelioration Program ng gobyerno. Matapos mahuli sa akto na nagtutupada, bit-bit ang mga alagang manok, agad-agad naman silang dinala sa police station.

"Nakapag fill-up na sila ng SAP form, and then naghihintay nalang sila ng distribusyon sa barangay nila," ayon kay Bacoor Police Chief Vicente Cabatingan. Pero ayon sa kanya, iyong Php6,500 na sana makuha ng mga inaresto ay hindi na nila pwedeng matanggap.





Iyan kasi ang babala ng pangulo sa mga nagsasabong - hindi na ibibigay sa mga beneficiary ang kanilang makukuhang pera pag mahuli sa akto.

Ang mga panabong na manok pagkatapos makuhanan ng litrato ay kinatay at pinakain sa mga nakakulong.

Samantala, sa Bacoor parin, may inaresto din matapos mahulihan ng isang sachet na pinaniniwalaang shabu. Ang suspek kakatanggap lang di umano ng Php6,500 na ayuda mula sa gobyerno.


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.