Kahanga-hanga ang ginawa ng isang ginang sa southern province ng North Cotabato dahil sa pagsauli umano nito ng P5000 na cash aid galing sa gobyerno.
Ibinahagi ng DSWD XII ang ginawa ng isang misis na si Whendy Pido na kusang ibinalik ang pera sa kanilang tanggapan.
Source: fo12.dswd / website
Source: fo12.dswd / website
Ayon Facebook post ng DSWD XII, ang katwiran ni Whendy ay nakatanggap na di umano ang kanyang mister na nasa kabilang barangay na bahagi ng social amelioration program.
"Kusa ko pong ibinalik yung perang naibigay sa akin ng mga taga-barangay mula sa Social Amelioration Program sa dahilang nabigyan na ang aking asawa na nasa kabilang barangay.
"Mas kailngan ito ng iba pang higit na nangangailangan dulot ng COVID-19 krisis sa aming barangay. Hindi ko po tinanggap dadhil dodoble na ang aming matatanggap na ayuda at alam ko po na maari kaming makulong hinggil dito," pahayag ni Whendy.
Narito ang ilan sa mga komento:
"Aside from concern, what I have seen in this woman is her honesty, knowing that her husband has already received that assistance, she is utterly honest to return her share of the cake. Sana marami pang katulad niya, hd makasarili. GOD bless you more miss Whendy, may your tribe increase!"
"Sana lahat ng Pilipino may pusong katulad mo! Hindi ung kahit patay ilista para makakurakot ng malaki. God bless you kabayan!"
"Very honest ka Ate !! Saludo ako sau ! Sana marami pang katulad mo ..God bless 🙏 u & your family !!! Ingat po !!"
"Gud job nanay isa kng tunay n my malasakit sa mga mas lalong nangangailangan ayan mga kupit 19 sana tularan nyu ang isang ginang god bless u ate"
0 Comments