Latest News

9-anyos na batang lalaki na may COVID-19, idinaan sa kanta ang pagdadasal habang naka isolate



Isang batang lalaki ang nagviral sa kaniyang emosyonal na kanta habang naka isolation ang sarili sa isang quarantine facility sa Cebu city. Ayon sa Kapuso Mo, Jessica Soho episode noong Linggo, dahil tinamaan si Gabriel (hindi niya tunay na pangalan) ng sakit ay nawalay sa kanyang pamilya kasama ang iba pang positibo sa COVID-19. 

     Photo source: GMA News

Nakikipag-ugnayan lamang si Gabriel sa kanyang pamilya via text o video calls, pero matinding pangungulila sa pamilya ang makikita sa bata pati narin ang kanyang pamilya.

Ibang mga kasama niya sa quarantine facility ang minsa'y nasiliyan ang bata habang kumakanta ng nakaluhod. Kapansin-pansin din dito ang mga lyrics ng kanyang inaawit, "Kung darating ang sandali na ako'y kukunin na, pupunta ako sa iyong kaharian," sambit niya sa kanta.

Hinsi naman maiwasan ng mga netizens na mapaluha habang pinapanood ang bata at panalangin nila ay sana gumaling na si Gabriel.


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.