Latest News

Backriding sa motorsiklo basta mag-asawa at magka-live in papayagan na uli simula July 10

Muling papayagan ang backriding sa motorsiklo basta mag-asawa o magka live in partners na naninirahan sa isang bahay simula Biyernes, July 10.


Isa pang kailangan gawin sa motorsiklo ay ang paglalagay ng protective shield sa gitna ng driver at pasahero, ayon kay Department of the Interior and Loal Gevernment chief Eduardo Año, 

"Simula bukas, papayagan na natin 'yung backriding para sa mga couple at 'yung prototype model na isinubmit ni Gov. Art Yap ay approved na ‘yan ng NTF (National Task Force)," ani Año. 

Para mapatunayan ito, kinakailangan lang magpakita ng ID na magpapatibay na naninirihan sila sa isang bahay.


View Story: Angkas proposes plastic partition to operate in new normal


Aniya, kinakailangan lagpas ulo ang gagawing protective shield at may hawakang nakakabit na maaring hawakan ng aangkas. Kailangan parin magsuot ng face mask at helmet ang magmamaneho at pasahero.

Ayon sa kanya, maaaring maharap sa patong-patong na kaso ang mga lalabag, partikular na sa omnibus guidelines ng community quarantine sa Pilipinas.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.