Latest News

John Regala napahagulgol sa sinabi ni Raffy Tulfo

Hindi napigilang humagulgol ng tudo nang aktor na si John Regala ng sabihin sa kanya ni Raffy Tulfo na magbibigay ito ng tulong. Sa panayam ni Raffy sa kanya, sinabi nitong nag-iisa nalang siya sa buhay dahil iniwan na siya ng kanyang asawa.


Para mabigyan ng tuwa si John, nagpahag si Raffy na bibigyan si John ng 100K pesos, grocery items at mga gamot nito.


“Ganito po ang gagawin namin. Magpapapunta ako ng reporter diyan. Lahat po ng klase ng tulong ay ibibigay namin. Sa ngayon po, magpe-pledge po ako. Magbibigay ako sa’yo ng isandaang-libong piso… Bukod pa ho diyan, magbibigay ako ng mga gamot at groceries para sa’yo,” pahayag ng batikang mamahayag.

“Maraming salamat po! Salamat po! Diyos na po ang bahalang gumanti sa inyo, kuya… Pasensya na po kayo… Hulog po kayo ng Panginoon. Ginamit po kayo ng Diyos para tulungan ako,” pahayag naman ni John. 




Kamakailan, nagviral ang mga larawan ni John sa sosyal medya na nanghihingi ng tulong sa lugar ng Pasay. Marami ang naantig sa kalagayan ng aktor na may iniindang malubhang karamdaman.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.