Latest News

Karumaldumal na sinapit ni Jang Lucero sa kamay ng mga suspek, inilabas

Ayon sa ulat ng GMA News 24 oras, love triangle di umano ang tinutumbok sa ngayon ng mga imbestigador sa pagpaslang kay Jang Lucero na nakitang tadtad ng 52 saksak mula sa mga suspek sa loob ng kanyang kotse sa Laguna.

Ang naarestong suspek ay dati umanong karelasyon ng girlfriend ni Lucero ay kasalukuyang hawak na ng Calamba pulis. Ang 20-anyos na si Annshiela Montes Belarmino ang nakuhanan umano sa CCTV.

"Si Anne ay allegedly may konting selos dun sa biktima. Siya mismo yung sumakay sa sasakyan ng biktima and napaka-importante na na-identify siya dahil siya mismo yung kasama nung mga sumaksak sa biktima," ayon sa Regional Director ng PRO-4A na si Brigadier General Vicente Danao.


Sa ulat ni John Consulta ng 24 Oras, sinabi ng source umano nito na ang suspek na alayas M ang humawak sa kamay ng biktima mula sa likuran habang ang isa naman na may alyas Ad ang sumaksak umano dito.

Isang alyas B naman ang nakasunod sa mga ito na sakay ng isang asul na kotse na naging get away vehicle ng mga suspek.

1 comment:

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.