Latest News

Ria Atayde ahead of SONA2020: “GISING NA GINAGAGO NA TAYO”

"Sa lahat ng nangyayari, nagiging mas mahirap ang kumapit sa pag-asa. 

"Sa lumipas na apat na taon, ang dami nating pinagdaanang opresyon sa ating bansa — mula sa pagpatay sa mga mamamayan hanggang sa kawalan ng kakayahang humarap sa krisis at pandemya.

Photo credit: Ria Atayde / Instagram


"Ang dami nating hinayaan at pinalipas... pero umaasa akong matatapos na ang panahon ng ating pananahimik at hindi pag-imik. Hindi tayo pwedeng maging pipi at bingi sa mga abuso sa ating bayan at mga kababayan. 

"Tayo ay, bago ang lahat, mga Pilipino. Karapatan at tungkulin natin ang panagutin ang mga pinunong ating hinalal. Hindi natin pwedeng hayaang unahin nila ang kanilang pag-unlad habang ang ating mga kapwa Pilipino ay nagdurusa.

"Lumaban ka sa kahit anong paraang komportable para sa’yo. 

"Pero pakiusap, manatiling mapagmatyag at wag magbulag-bulagan. 

"Alam kong marami sa atin ay mas maginhawa ang kalagayan kumpara sa iba, pero tayo ay iisang bansa. 

"Ang kinabukasan natin ay kinabukasan nila. Kung ang Pilipinas ay lulubog, kasama tayong lahat na malulunod. (Pero baka hindi silang mga VIP — uubusin na nga lahat ng lifevests, magpapa-special rescue pa. 

"Na buwis natin ang ipambabayad," Ria Atayde wrote.
View this post on Instagram

Sa lahat ng nangyayari, nagiging mas mahirap ang kumapit sa pag-asa. Sa lumipas na apat na taon, ang dami nating pinagdaanang opresyon sa ating bansa — mula sa pagpatay sa mga mamamayan hanggang sa kawalan ng kakayahang humarap sa krisis at pandemya. Ang dami nating hinayaan at pinalipas... pero umaasa akong matatapos na ang panahon ng ating pananahimik at hindi pag-imik. Hindi tayo pwedeng maging pipi at bingi sa mga abuso sa ating bayan at mga kababayan. Tayo ay, bago ang lahat, mga Pilipino. Karapatan at tungkulin natin ang panagutin ang mga pinunong ating hinalal. Hindi natin pwedeng hayaang unahin nila ang kanilang pag-unlad habang ang ating mga kapwa Pilipino ay nagdurusa. Lumaban ka sa kahit anong paraang komportable para sa’yo. Pero pakiusap, manatiling mapagmatyag at wag magbulag-bulagan. Alam kong marami sa atin ay mas maginhawa ang kalagayan kumpara sa iba, pero tayo ay iisang bansa. Ang kinabukasan natin ay kinabukasan nila. Kung ang Pilipinas ay lulubog, kasama tayong lahat na malulunod. (Pero baka hindi silang mga VIP — uubusin na nga lahat ng lifevests, magpapa-special rescue pa. Na buwis natin ang ipambabayad.) #ItoAngSONAKo #SONAngaling 📷: @defaultcafepub

A post shared by Ria Atayde (@ria) on

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.