Latest News

Suspek sa pagpaslang kay Jang Lucero arestado na

Isang babaeng suspek sa pagpaslang sa kay Jang Lucero ay nahuli na ng pulisya. Ayon sa ulat ng GMA News, nahuli ng mga awtoridad ang suspek na si Ann Sheila Montes Belarmino sa tulong ng CCTV na kinilala ng isang saksi.



Nahuli ito noong July 3 at kasalukuyang nasa Calamba City Police Station na nahaharap sa kasong murder.

Samantala, patuloy parin ang follow-up operations ng pulisya para mahuli ang lima pang ibang sangkot sa karumaldumal na krimen.

Si Jang Lucero ay natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng sarili niyang kotse noong Hunyo 28 ng gabi. Nagtamo ito ng 52 na saksak mula sa mga huling pasahero niya. Nakuhanan pa ng CCTV ang mga suspek bago ito sumakay ng kanyang kotse.



No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.