Isang mega sale sa Cagayan de Oro ang pansamantalang ipinatigil ng mga utoridad dahil sa paglabag sa social distancing.
![]() |
Photo credit: Benj Boston / Hugot Biyahero |
Nagviral ang mga larawan ng mga nagkukumpulang tao sa loob ng isang mall para bumili ng mga branded items ng ibinagsak ang presyo hanggang 80% ngayong araw, Agosto 15.
Sa mga larawang kuha ni Benj Consolacion Boston, kapansin-pansin na hindi nasunod ang social distancing na ipinatutupad ngayong may pandemya para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
![]() |
Photo credit: Benj Boston |
Kaagad namang inaksyunan ng pamunuan ng mall ang naturang insidente sa Limketkai Centre.
“Due to the unexpected number of shoppers of The Warehouse Clearance Sale, some safety health protocols were not observed. Please be advised that our management have temporarily stopped the said activity at the Atrium which was thereafter seconded and approved by the City government.
![]() |
Photo credit: Benj Boston |
"Our management will still meet with them. Please wait for further update for their sale.
"Rest assured that Limketkai Mall is one with the government in their campaign in fighting the spread of COVID-19,” pahayag ng mall management.
Ang viral na mga larawan na ito ay nagdulot naman ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens kung saan pangamba para sa kaligtasan ng mga tao ang ipinaparating.
0 Comments