Latest News

Babaeng naglalaba sa tapat ng bahay, pinipilit tiketan kasi walang suot na face mask

 Nag viral ang isang ginang at mga kawani ng barangay kung saan makikita sa video ang nangangatuwirang babae sa mga opisyal ng barangay dahil sa inilabag daw nitong lockdown protokol.




Ayon sa ginang, naglalaba lamang siya sa labas ng kanyang bahay na walang suot na face mask at nahuli ng mga rumurundang taga barangay. Sa viral video, makikitang pinipilit ang ginang na magbigay ng kanyang pagkakilanlan para sana ma tiketan ito. Subalit hindi pumayag ang babae sa gustong mangyari ng taga barangay.


Makikita din sa video na iniimbitahan siya sa barangay para kausapain subalit tumanggi itong sumama sa barangay.


Ayon sa ginang pag siya pumayag na tiketan, tutubusin niya ito ng isang libo at magkakaroon na ito ng record.



Naging mainit naman ang komento ng mga netizens at sinasabing hindi makatarungan ang ginawa ng mga opisyal lalo pa at nasa loob naman ito ng sariling bakuran ang ginang. 

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.