Latest News

John Regala at ang nagpakilalang anak niya, Negative sa DNA test result

 Resulta ng DNA nina John Regala at ang nagpakilalang anak niya na si John Santos ay naging negatibo. Matapos ang ilang linggong paghihintay, lumabas narin ang resulta at muling nagtagpo ang dalawa sa programang Raffy Tulfo. 



Matatandaan na pagkatapos mag-viral ang larawan ni John Regala ay may isang binata ang nagpakilala na anak umano siya ni John Regala, kaya sa tulong ng programang Raffy Tulfo minabuti ng dalawa na mag pa DNA.





Sa unang panayam kay Santos, sinabi nitong nagkakilala umano ang aktor at ang kanyang ina sa Japan at doon sa nabuo.


Muling nagtagpo ang dalawa sa programa kung saan tuluyan ng natuldukan ang isyu.



"Na-disappoint ako, na-frustrate ako hindi kita naging anak… Alam ko ang nararamdaman mo dahil ganyan din ang pakiramdam ko ngayon… Welcome ka sa akin… Pwede mo akong ituring bilang ama mo,” sabi ng aktor.


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.