Latest News

Pinay tinakbuhan ang Kapwa OFW sa Thailand , 53 Million Baht na Remittance Money tinangay!

 Isang pinay na nag-ngangalang Lenie Camacho na isang negosyante di umano sa bansang Thailand ang tumangay sa pera nang mga OFW na nagkakahalaga ng 52 Million baht or nasa mahigit 80 Million pesos. 






Mahigit pitong daan (700) na Pilipino ang na scam ni Lenie Pangusan Camacho na sa ngayon ay hindi pa malaman kung saan nagtatago. 


Si Lenie ay nagpapatakbo nang Remittance na negosyo sa Thailand. Tinawag niya itong Filipino Cooperative Investment Loan na nag o-offer nang mas malaking exchange rate kompara sa ibang Remittance center. 


Nalaman di umano ang panluluko ni Lenie nang mag post ang isa sa kanyang mga naging customer na tila naghahanap sa kanya. Nag simula ang paghahanap sa kanya noong unang linggo ng Setyembre. 



Wala namang maibigay na sagot ang mga tauhan ni Lenie kung saan naroon ang pinay. Pati sa mga social media account ay naka on at off. 


Nag labas rin nang isang video si Lenie kung saan ipinahayag niya na nawalan daw siya nang malaking halaga na pera at humihingi nang tawad sa kanyang mga customers. 


Mangiyak-ngiyak ang mga customer nila na halos mga kapwa rin Filipino. Isa sa mga biktima ay nagpadala ng pambili ng gamot para sa kanyang amang may sakit na kalaunan ay namatay dahil hindi raw nakabili ng gamot.



May iba pang mga biktima na nag transact sa kanya sa kauna-unahang pagkakataon matapos magpadala sa pamilya nang mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. 


Marami ang naghahangad na matulungan sa kanilang mga hinaing at isa sa kanilang hiningan nang tulong ay ang Raffy Tulfo in Action at Abante. 


At sa wakas, nakarating din ito sa kinauukulan. 


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.