Latest News

Dalawang lalaki arestado sa panghahalay umano sa kaibigan nilang lalaki sa Pangasinan

 Inaresto ang dalawang lalaki matapos magsumbong sa mga kapulisan ang isa nilang kaibigan na lalaki na umano'y pinagtulungan siyang halayin ng kanyang mga kaibigang lalaki sa Mangaldan, Pangasinan.





Ayon sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Martes, sinasabing 26 anyos ang biktima.






Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na inaya umano ng dalawang suspek ang biktima na makipag-inuman sa kanila.



Ginawa raw ang inuman sa bahay ng isa sa mga suspek.



Pero nang matutulog na, doon na raw puwersahang pinagsamantalahan ng dalawa ang biktima at ginawan ng kalaswaan.



Ayon kay Police Lieutenant Colonel Police Leutenant Jun Wacnag, hepe ng Mangaldan Police Station, kaagad na inaresto ang dalawang suspek nang magsumbong ang biktima sa kanila.





Hindi na nagbigay ng pahayag ang dalawang suspek pero itinanggi nila ang paratang.



Desidido naman ang biktima na ituloy ang reklamo sa dalawa niyang kaibigan.



Source GMAnetwork News

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.