Latest News

URBAN LEGEND 'TAONG AHAS' BROUGHT TO LIFE OVER JOVELYN GALLENO DISAPPEARANCE IN PALAWAN MALL

 Noong Agosto 5 taong kasalukuyan, nawala si Jovelyn Galleno, isang graduating student ng B. S. Criminology, huli siya nakita na pumasok sa Robinsons Place Puerto Princesa City, Palawan.




Isang palaisipan pa rin hanggang sa kasalukuyan sapagkat tanging ipinalabas ng nasabing mall ang CCTV footage nang pagpasok ng dalaga sa establisyemento, ngunit walang footage sa kanyang paglabas.



Ayon sa kapatid ni Jovelyn, kadalasan umuuwi ang dalaga bandang 6:30 ng gabi ngunit umabot na nang 7:30, hindi pa rin nakauwi ang dalaga. 




Salaysay ng kanyang kapatid, nag chat pa daw si Jovelyn sa kanya banda 6:37 ng gabi at nagtanong kung anong ulam. 



Inilinaw ng Robinson na tanging footage na nakita nila  ay ang pagpasok lamang ng dalaga at wala silang itinatago sa mga awtoridad. 



Bunsod nito, ilang mga netizens ang napag-isip ukol sa urban legend na kumakalat tungkol sa mall na ito.


Ikonekta nila ito sa nangyari umano ni Alex Dixson noong 1980s na may bumiktina sa kanya na isang 'taong ahas' sa isang dressing room ng mall. 


CCTV footage captured Jovelyn entering the mall.




Ngunit inilinaw na ito ng aktres na hindi ito totoo sa isang vlog at nagpa-prank lamang siya ng sinabi niya na "tuklaw".


“They directed me to the bathroom sa labas ng department store on the fourth floor para magpalit ng damit. Natatandaan ko nga may nag-uusyoso sa labas, and for some reason while I was inside the bathroom, I said, ‘Tuklaw, tuklaw’,” sabi ng aktres.




Dagdag pa niya, “Now, I don’t really know kung bakit ko iyon ginawa. Siguro kasi, I was just being funny? I was trying to get a laugh sa mga kasamahan ko? I was being young and silly.”


Ayon sa PNP maganda ang tinatakbo ngayon ng imbistigasyon dahil narin sa may mga hawak na ito na CCTV at pinayagan narin sila ng management ng Robinson na tignan ang lahat ng mga kuha ng CCTV, kasama narin dito ang ilang mga establisimento sa lugar.



Salamat ito naman ang panawagan ng mga mamayan nakaraan pa na ipakita para mas mapabilis ang imbistigasyon buti nalang hindi narin nag matigas pa.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.