Latest News

MARC PINGRIS CHALLENGES RENDON LABADOR TO A ONE-ON-ONE MATCH

Trending ngayon sa social media ang palitan ng hamunan ng vlogger na si Rendon Labador at dating PBA player na si Marc Pingris o kilala sa palayaw na 'Pinoy Sakuragi' matapos mag-post ng reaksyon si Rendon patungkol kay Gilas Pilipinas coach na si Chot Reyes.



"Hindi tayo mananalo sa puro paawa," matapang na reaksyon ni Rendon sa isa nitong post sa Facebook.






Sinagot naman ito ni Pingris sa isang Facebook page at sinabing handa itong maka-one-on-one si Rendon sa basketball.


"Idol balita ko magaling ka daw sa basketball," kantiyaw pa ni Pingris.


Nagpapatuloy naman ang kanilang palitan ng salita matapos sumagot si Rendon sa kaniyang Facebook page, at tinanong ang mga followers nito kung papatulan ba ni Rendon ang hamon ni Pingris.



"Patulan ko ba? #1v1 Battle Of The YouTubers Boss MG exhibition game okay ka?" wika ni Rendon.



Samantala, sumagot muli si Pingris sa comment section at sinabi na: "Di ako nabibigla ๐Ÿ˜Š at di ako nag kamali ng hinamon ๐Ÿ˜Š at isa pa wag ka mag sama ng  ibang tao dalawa lang tayo mag lalaro. Wag mo sama mga YouTuber mo as in dalawa lang tayo mag kita walang camera ๐Ÿ˜Š salamat idol. Mag papaturo lang ako sayo at tatanong  ๐Ÿ˜Š.”




Kamakailan, dinepensahan ni Marc Pingris si Coach Chot Reyes at nanawagang suportahan na lamang ang Gilas Pilipinas sa mga laro nito.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod WHEREINBACOLOD ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.