Grade 5 student vinideohan ng kanyang teacher habang minomolestiya

Dumulog si Nanay Felina Rivera at anak nito kay Tulfo na humihingi ng tulong upang makakuha ng hustiya dahil sa panggagahasa umano ng guro sa kanyang Grade 5 na anak.

            Screen Grab from Raffy Tulfo in Action YouTube

Reklamo ng nanay, ginahasa ng guro si Nene, 14 anyos, nang mismong guro nito sa Palattao Elementary School sa Isabela.

Kwento ni nanay Felina, nagkaharap na umano sila ng guro na si Erlito Duque, 45 anyos, kung saan inamin umano nito ang kasalanan at may video pang ipinakita sa kapitan.

Sa panayam naman ng kapitan, inamin naman nito na nakita nila ang video ng kalaswaan ng guro. Ngunit pina-postponed niya daw muna noong kasagsagan pa ng eleksyon.

Kaya naman nagalit si Tulfo sa ginawa ng kapitan dahil bukod sa hindi agad ginawan ng aksyon ay ibinalik pa nito sa guro ang video na ebidensya na sana.



Agad na nakipag-ugnayan naman ang programa sa pulisya ng Isabela upang makasauhan si Duque.

Sa kwento naman ng batang si Nene, naglilinis umano siya ng CR nang puntahan siya ng guro. Doon ay kinuhaan daw siya ng video sa laptop at itinaas ang kanyang damit.

Maraming beses na rin umano siyang ginalaw ng guro at sa tuwing pumalag umano siya ay tinakot siya ng guro na ikakalat ang hubad niyang video. Kung kaya hindi niya nagagawang magsumbong agad sa kanyang ina.

Matapos ang salaysay ng bata ay pumunta na sila sa pulisya, nagbigay ng salaysay at nagsampa na ng kaso kay Duque. Nakigpagtulungan na rin ang kapitan dahil nakita nila mismo ang video kung saan hinalikan daw nito ang bata.

Tumulong rin ang prinsipal ng paaralan upang masampahan ng kaso sa DepEd si Duque.

No comments