Latest News

OLD MAN ACCUSED OF STEALING MANGO FRUIT ARRESTED IN PANGASINAN

 Halos mangiyak-ngiyak pa ng makapanayam ng PIO Asingan ang walumpong (80) taong gulang na si Lolo Narding Floro ng Asingan, Pangasinan. 



Magi-isang linggo na kasi itong nasa kustodiya ng Asingan PNP dahil sa kasong pagnanakaw, gusto na raw nitong umuwi.




"Pinapitas ko yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun," sabi ni Lolo Floro.




Naaresto si Lolo Floro dahil na rin sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng 7th Municipal Circuit Trial Courts (MCTC) Asingan-San Manuel, noong December 20, 2021. 



Hinuli ang akusado kasunod ng isang manhunt operation bandang alas-5 ng gabi January 13 sa Barangay Bantog, ayon sa ulat sa spot report ng Asingan PNP. 




Nais sana nitong  daanin sa masinsinang paguusap ang kaso.



"Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo," dagdag ni Lolo Floro.




Ang korte ay may inilaang piyansa sa halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.




Nag-ambag ambag naman ang mga pulis sa Asingan para mabuo ang 6,000 pesos na pang-piyansa ni Lolo. Pero dahil Alert Level 3, hindi pa raw mapirmahan ang kanyang release paper. Sa ngayon, Ang Asingan Police ang nangangalaga sa lolo.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.