Latest News

ROB MOYA ON YASSI PRESSMAN, 'AM I THE TYPE OF GUY NA PWEDENG MANLIGAW SA'YO?'

 Sa Facebook video na ibinahagi ng social media personality at dating aktor na si Rob Moya, inamin nitong matagal na niyang crush ang aktres at host na si Yassi Pressman. Sa kanilang pagkikita kamakailan nang mag-taping siya sa 'Rolling in It Philippines' sa TV5, sinabi nitong sa pelikulang "Diary ng Panget" pa lang daw ay talagang napaibig na siya sa dalaga.



Ayon sa kanya, malabong maging girlfriend nito ang aktres kaya naman hanggang pangarap na lang siya.





Ngunit, sa pagkakataong iyon ay naglakas-loob si Rob na tanungin ang aktres kung may pag-asa bang sagutin siya nito sakaling manliligaw siya.



"Am I the type of guy na puwedeng manligaw sa'yo? O magiging type mo ba 'ko?" ang diretsahang tanong ni Rob kay Yassi.



Samantala game at nakangiting sinagot ng aktres. Aniya, marami daw siyang kinokonsidera sa pagpili ng magiging jowa. Tinanong niya ito ng ilang mga katanungan, kung mabait ba ito, funny, loyal at kung mahal niya ang pamilya niya. Puro oo naman ang sagot ni Rob.


Sa follow-up na tanong ni Rob, "Okay," ang sagot ni Yassi.



Makikita namang kinilig si Rob sa sagot ni Yassi. Natawa naman si Yassi sa reaksyon nito.


Pero, maya-maya, natatwang kumambyo si Yassi at sinabing, "Maybe..."





Na-apir ang dalawa at mapapansing napatagal ang hawak ni Rob sa kamay ni Yassi.



"Parang ang tagal ng hawak mo ah," pabirong sita ni Yassi. Dagdag na pabirong sabi ni Yassi, ang mga kagaya ni Rob umano ang lalaking bolero.



Sagot naman ni Rob, kapag si Yassi ang naging jowa nito, 'wala na talgal', magpapala-loyal na siya.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.