Latest News

PH overtakes Malaysia with highest number of COVID-19 cases in Southeast Asia



Nalampasan na ng Pilipinas ang Malaysia sa may pinakamaraming bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).



Ayon sa John's Hopkins University (JHU) coronavirus dashboard, nakapagtala ng 5,223 COVID-19 cases ang Pilipinas, samantalang 4,987 naman ang bilang ng kaso sa Malaysia nitong Abril 14, 7:00PM.

Katulad ng Malaysia, nakapagtala na rin ng lampas sa 4000 kaso ang Indonesia, tinatayang may 4,839 na ang positibong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.


Sunod sa listahan ay ang mga bansang: Singapore (2,918), Thailand (2,613), Vietnam (266), Brunei (136), Cambodia (122), Burma/Myanmar (63) at Laos (19).

Sa kabila ng mga reklamo sa kakulangan ng testing sa bansa, nakapagtala na ng lampas 35,000 na test sa mga "unique individuals" ang Pilipinas nitong Abril 12.

Nagsimula na rin ang gobyerno sa pagpapatupad ng "enhanced testing measures" na naglalayon makapagtala ng 8,000 hanggang 10,000 tests kada araw hanggang katapusan ng Abril.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.