Latest News

Tinangkang sunugin ang isolation facility para sa mga PUI's sa Laguna

Isang isolation facility para sa mga PUI's sa Laguna ang tinangkaang sunugin ng hindi pa nakikilalang salarin. Isang gusali sa Barangay Maravilla, Nagcarlan, Laguna ang binuhosan ng pertrolyo at saka sinilaban ang pinto bandang alas-5AM.



Mabilis naman nakaresponde ang mga awtoridad kaya naapula kaagad ang apoy. Batay sa isinasagawang imbestigasyon, malinaw na ang motibo sa tangkang pagsunog ay para hindi matuloy ang paggawang isolation area ang gusali.



        Photo credit: Dennis Datu / Twitter

Sa ngayon bantay sarado ng mga pulis ang naturang gusali at itutuloy pa rin ni Nagcarlan Mayor Lourdes Arcasetas na gawing isolation area ang nasabing gusali.




       Photo credit: Dennis Datu / Twitter




Ayon sa chairman ng Brgy. Maravilla, tutol di umano ang mga residente na gamiting quarantine site ang gusali dahil kalapit lang iyon ng residential area. ayon sa kanya ay gumawa pa ng petisyon ang mga residente na humihiling na huwag gawing isolation facilityang health center. 







Source: Twitter, ABS-CBN

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.