Latest News

SAP beneficiary sa isang barangay sa Rizal, aso ang nakalista sa halip na amo



Laking pagtataka ng isang residente sa Barangay  San Jose sa Rodriguez, Rizal nang malaman niyang ibang pangalan ang nakalista sa address ng kaniyang bahay. Pero mas nagulat siya dahil ang nakalistang pangalan--ang aso niya.




Sa Twitter post ni Mark Makalalad ng Super Radyo dzBB nitong Biyernes, sinabi ni Nurharija Lim Rosqueta, na nagulat siya nang makita sa listahan ng Social Amelioration Program ang pangalan ng kanyang aso na si "Margarita" Lim Rosqueta.

Karaniwang inilalagay ang apelyido ng pet owner sa pangalan ng alagang hayop sa medical record nito.


Nagpakita pa umano ng ID si Nurharija sa barangay para matunayan na ang address na nakalagay sa masterlist ay ang address ng bahay niya.

Hindi naman daw maipaliwanag ng mga kawani ng barangay kung bakit "Margarita" ang pangalan na nakalista.

Dahil dito hindi umano nakuha ni Nurhariya ang ayuda kaya nagreklamo siya sa barangay.

Labis ang panghihinayang niya dahil sa pagod sa pila at nabasa pa siya ng ulan.

Source: GMA News 

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.