Latest News

Lady driver natagpuang wala ng buhay at tadtad ng s4ksak sa Laguna

View Story: Filipina schoolgirl, 13, proudly shows off baby bump after romance shocked the internet

Jang Lucero, 34, nagsa-sideline bilang tagahatid ng pasahero gamit ang kanyang sariling kotse matapos mawalan ng trabaho dahil sa community quarantine, natagpuang wala ng buhay at tadtad ng saksak.


Mga awtoridad nagiging blanko kung anu ang motibo sa pagpatay kay Jang at kung sino ang responsable sa krimen dahil wala namang may nawawalang gamit galing sa kanyang.


Lubos naman ang paghihinagpis ng kanyang mga kaanak.

“Ang sakit… yung mga alaala naming dalawa [kapag] maalala ko, masakit,” emosyunal na tugon ni Angela Lucero, ina ng biktima.
Nabatid na Linggo ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Jang na tadtad ng saksak sa loob ng kanyang kotse sa Bypass Road sa Calamba.



Ayon sa kaniyang ina, birthday gift ni Jang sa sarili ang kotse nito lamang Pebrero.

Kuwento ng girlfriend ni Jang na si Meyah Amatorio, nagpaalam ang biktima noong Linggo ng gabi na may ihahatid na tatlong pasahero mula Laguna hanggang Gil Puyat sa Metro Manila.


Matapos ang ilang oras, ilang beses tinatawagan ni Meyah si Jang sa cellphone pero hindi na ito sumasagot hanggang sa pulis na ang kaniang nakausap.

Doon na sila pinapunta sa presinto at ipinaalam ang nangyari kay Jang.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.