Latest News

Lalaking hindi alam na may COVID-19, naglibot at nakipag-inuman sa Negros Oriental

Nasa 60 mga bahay sa Purok 3, Brgy. Bugnay sa bayan ng Mabinay sa Negros Occidental ang inilagay sa lockdown matapos malamang naglibot sa naturang lugar at nakipag-inuman pa umano ang isang lalaking positibo pala sa COVID-19.

Ayon sa pahayag ni Mabinay Vice Mayor Ernie Jango Uy sa ABS-CBN News, ang lalaki ay kabilang sa anim na bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.



Naglibot aniya ito at bumisita pa sa bahay ng pat na kaibigan bago niya nalaman na positibo siya sa virus.

"So, the one na na-contact they are also neighbors so probably they are mingling also with the other household members in the said purok so that's the very reason na nilockdown namin. Initially, we locked down only 20 households but the day after, we decided to lockdown 40 more households," sabi ni Uy.

Patuloy naman ang contact tracing ng mga awtoridad sa mga naging nakasalamuha nito na napag-alamang isang locally stranded individual mula sa Bacolod City.

Nagpa swab test muna daw ito bago ang pagpasok sa Negros Oriental, subalit hindi nag quarantine habang hinihintay ang resulta ng test.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.