This Gay unexpectedly fell in love with a lesbian, now a proud father

Some say that Gay and Lesbian are just like cat and dog they have opposite interest. Who knows that these story really define the true meaning of love and the person intended to you.



Junrell Hingoha Lor, a gay, shared the story of how he met his lesbian partner, Amor Manigo Hingoha. It all started through a text messages between Amor 21-year old guy and Junrell 23-year-old woman. They both fell in love via text messages but during the time they meet each other they learned that they both lied on their sex preferences.

Please read below the whole story:

Nagsimula ang lahat sa pagiging textmate

Lalaki daw siya at 21 years old na...yun ang kanyang pakilala sa akin at ako naman ay babae at 23 years old naman 不不不

first time namin magmeet noong October 23, 2016 at ang una kong nasabi "hala bakit may bukol ka" (suso) tapos naputol yun dahil sa kumakalat na balit tungkol sa untog brothers yung magkapatid na pumapasok ng bahay at pumapatay ng tao kaya hinabol si Amor ng papa niya sa amin at ako naman ay todo takbo hahaha 不
Tumawag mama ni amor sabi binugbug daw si Amor at kung gusto ko daw bumisita dapat pormal daw at puntahan ko siya sa bahay nila. Kinabukasan pinuntahan ko siya sa bahay nila at klinaro lahat ng bagay kung ano ba talaga yung nafefeel namin sa isa't-isa kung seryosohan ba o trip-trip lang 不
After nun, 1 week hindi na kami nagkatext tapos inlove na pala ang bakla...kaya pala hindi na siya nagtetext kasi binawi cellphone niya.
Nov. 2, 2016 tumawag si Amor makikipagmeet pero may kasama daw siya mga friends kasi baka daw siya marape tapos sabi ko sige punta ka dito sa bahay kasi may padasal nun sa amin pero pumunta siyang nakapalda haha
Sabi niya love daw niya ako ayaw niyang makipaghiwalay kung magpropromise ako na magpapakalalaki na ako tapos sabi ko Hindi, ganito na talaga amo dapat tanggap mo ako dahil tanggap naman kita kahit tomboy ka bakit nagdemand ba ako? so ayun naghiwalay kami pero kinabukasan nagbalikan kami kasi narealized niya na tanggap niya na daw kung ano ako basta tanggap ko din siya.
Nov 23, 2016 1st monthsarry namin naging maganda ang kasunduan namin. Pero gaya nga ng iba hindi naging perpekto ang relasyon namin hanggang umabot sa nagkasawaan kami at humantong sa hiwalayan. October 13, 2017 naghiwalay kami without knowing buntis na pala siya at sana 1 year na kami sa October 23, 2017. Wala na kaming communication at hindi na kami nagkikita after that breakup. Feb 8, 2018 tumawag siya kasi may importante daw siyang sasabihin pero I blocked her. Meron siyang inutusan para sabihin sa akin na buntis daw siya pero pinagalitan ko yung inutusan niya. Pero after 3 days nagtext si Rodessa confirming na totoo ngang buntis si Amor 5 months at ako nga daw ang tatay. Lumambot ang dibdib ko at naisip ko na kung ako nga talaga ang ama kailangan ko siyang panindigan at kung hindi man ako kailangan ko parin siyang tulungan. February 17, 2018 namanhikan kami sa kanya kasama ang pamilya ko. Grabe no? dati pinapangarap ko na makaasawa ko ay lalaki pero ngayon ako ang nangasawa sa mahal ko na feeling lalaki . April 4, 2017 nagmoving up siya kahit buntis na siya noon. Sabay kaming nangarap para sa baby namin. June 4, 2018 at exactly 12:58 ng umaga nanganak siya sa first baby nin na si Asher Hingoha Manigo Lor. Kung love ko siya before ngayon mas love ko pa siya at pati ang anak namin First time in my life na may barkada na makikita nila akong umiyak nga ganito kasi wala pang may nagpaiyak sa akin ng ganito kundi si Amor lang at yung baby namin na si Asher sila lang yung nagpalambot sa matigas kung puso. Totoo ngang makapangyarihan ang prayers kasi habang naglalabor si Amor umiiyak ako na nakikita siyang naghihirap habang naglalabor at naubos kong banggitin lahat ng mga santos sa hospital habang nagdadasal ( Diyos ko tulungan mo si Amor na manganak ng safe at yung bata maging safe din po at hindi nagtagal lunabas yung anak ko) at paglabas ng bata na narinig kung umiiyak pinasalamatan ko lahat ng mga santos. Maraming salamat Diyos na binigyan mo ako ng taong kaya akong mahalin at tanggapin kung sino man ako. At Anak na magbibigay saya na Hindi matutumbasan ng Kahit anong salapi

Lahat tayo nangangarap na sana may magmahal satin ng tunay. Nung magjowa palang kami ni Amor hindi ko nagawang mapost at maipakita yung pagmamahalan namin kasi natatakot akong majudge ng ibang tao. Pero nung time na buntis na siya ng 5 months siya lang may alam pero never pumasok sa isip niya na ipalaglag ang baby kasi ginawa namin yun dahil sa love hindi sa libog lang. Narealized ko na hindi dapat kami mahiya at matakot sa mga tao kahit pagtawanan man nila kami kasi mahal namin ang isa't -isa. Tapos nung naglalabor siya yumakap siya sakin at Sabi niya " kaya ko to Hon " sagot ko "kayanin mo Hon nangotang Lang tayo para panhospital, Mahal ang CS" at natawa siya hahaha
Grabe ang paghihirap ng mga nanay para lang maipanganak tayo sa mundo tapos sasagot sagutin lang natin sila?
I salute to all mother's out there 

No comments