Latest News

Jobert Sucaldito hit Nadine Lustre in social media post "NILOKO NIYO LANG KAMI"


Here's Jobert Sucaldito statement in his social media post:

Nakakaawa rin si Nadine Lustre dahil sa masyado yata niyang isinaisip that she's that big already. Mahal ko ang batang iyan pero there are things na kailangan niyang maintindihan sa mundong ito. It's not just about things for herself - dapat marunong siyang umintindi ng salitang RESPETO sa mundong ginagalawan namin. Tulad nitong off na reaction niya sa sinulat ni kaibigang Ricky Lo who has gained the country's respect as an entertainment editor, hindi siya dapat naging sarkastiko - if she felt na na-offend siya halimbawa sa naisulat about her, the best thing that she could have done was call Ricky Lo and told him her side of the story. 

Hindi yung sasabihin niyang "as if you know so much about me" or something to that effect with matching "you cannot even spell my last name right" which is near impossible. 'Tapos dinugtungan pa niya ng "Nu na, 2020 na" na parang super angas ang dating. Piece of advise lang Nadine, why don';t you google Ricky Lo's name - kung anong klaseng journalist siya. Hindi naman iyan one of those na pinulot lang sa kalye para magsulat sa isang diyaryo - he is most respected sa hanay namin. Baka di mo lang alam Ining pero mind you - you did a great insult on his person as a journalist. 

Masyado kang nag-feeling above him or many of us - na kaya mo siyang maliitin. Everything that Ricko Lo wrote about you, even the mental illness angle, were researched. Galing din sa 'yo lahat iyon. Hindi gawa-gawa iyon. You were even quoted to have said na magpapakamatay ka pag iniwan ka ni James Reid, di ba? That's a sign of depression or mental illness na isang seryosong isyu nga sa isang tao. Tama ka, mental illness is a serious matter na dapat ay mapangalagaan pero sino ba ang nagsabi or nag-insinuate ng such, di ba ikaw? Kaya we think MR. RICKY LO DESERVES AN APOLOGY FROM YOU. It's never too late pero iyon ang sapantaha namin. Kung nagawa mo ngang bastusin ang isang RICKY LO, the more na puwede mong gawin to any of us. Tama Ining? Bawas lang ng yabang bao pa mahuli ang lahat. Hindi kami makapapayag na mabastos ng kahit sinong celebrity sa mundong ito pag wala sa katwiran.

Tsaka, itong isyu ng kiyemeng hiwalayan ninyo ni James Reid na napatunayang FAKE pala ay gawa ninyo. Kayo mismo ang may gawa nito. Pakana niyo ito.. Nag-ingay ka lang pala para pag-usapan ang palamlam nang loveteam ninyo dahil umalis ka na rin sa Viva to join James Reid's Careless Management put up by James' dad. Nag-ingay ka lang para kiligin ang mga fans ninyo dahil may niluluto kayong mga projects together. Walang problema roon kung iyon ay sadya ninyong pinlano para mapag-usapan kayo. Ang pinaka-KASALANAN lang namin ay pinatulan namin kayo thinking na totoo ngang may problema sa relasyon ninyo. Iyon pala, YOU JUST TOOK US FOR A RIDE! Congratulations then! Nagtagumpay kayo sa first phase ng drama ninyo pero do you think that the public will support you after this? NILOKO NIYO LANG KAMI! Iyon na iyon. Sayang ang pagmamahal namin sa iyo Nadine - you USED us. Sayang. Sayang talaga. We're so hurt and insulted.

3 comments:

  1. #Nadine parin kami...

    ReplyDelete
  2. Marami nang nakikisawsaw, #jadine pa rin sa 2020

    ReplyDelete
  3. WOW ha pavictim! Sino ba nanloko sa inyo? Kayo nagsimula ng lahat!Ikaw nagsabi na tumalon na lang sana si Nadine.

    ReplyDelete

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.