Humingi ng tawad sa publiko si aktres Angel Locsin matapos pumutok ang kontrobersyang kinasasangkutan ng senador na si Aquilino Pimentel III o 'Koko' Pimentel.
March 25, nang lumikha ng ingay ang senador matapos nitong samahan ang kanyang asawa na si Kathryna Yu-Pimentel sa Makati Medical Center na nakatakdang manganak.
Subalit kinundena ng ospital sa kanilang opisyal na pahayag ang anila'y irresponsible at reckless" na ginawa ng senador sa paglalagay n'ya sa panganib ang buhay ng mga health workers.
Ang senador ay naging positibo sa coronavirus disease (COVID-19) na dapat ay na nagseself quarantine ayon sa protokol ng Department of Health.
Inulan ng pagbatikos si Pimentel mula mga netizens sa umano'y makasarili in insensitive actions mula sa kanya.
Sa isang Tweet ni Angel Locsin kasama ang ulat mula sa Philippine Star na nagsasabing, hindi daw muna ito iimbestigahan ng Department of Justice kung may nilabag ang senador, ang "home quarantine protocol" hangga't walang naghahain ng reklamo.
Angel Locsin: "Calling @catarambulo_com where are youuuu?" tanong ni Angel sa kanyang tweet.
The Department of Justice will not yet investigate Sen. Koko Pimentel III, who was admonished by Makati Medical Center for violating “his home quarantine protocol” until a formal complaint is filed.https://t.co/SvVSWrHoFn— Philstar.com (@PhilstarNews) March 25, 2020
Si Cat Arambulo ay isang influencer na kinundena din sa social media dahil sa insensitibong komento sa mga Filipinong ayaw manatili sa kanilang mga bahay dahil sa 'enhanced community quarantine' sa buong Luzon, na agad naman syang nag sorry.
Isang fan na may username @hausenDaydream ang nagtanong kung pinagsisisihan ba n'ya na inendorso n'ya ang senador sa panahon ng halalan.
"Do you regret that you campaigned for him then in a tv ad?" tanong ng Netizen. "Voted for him because of you."
Do you regret that you campaigned for him then in a tv ad? Voted for him because of you.— hausen’sdaydream (@HausenDaydream) March 25, 2020
At buong tapang naman na sinagot ni Angel: "Yes," tugon ng 34-year-old actress. "Super. Mortal sin. Patawarin nyo po ako bilang ex husband po sya ng pinsan ko."
Yes. Super. Mortal sin. Patawarin nyo po ako bilang ex husband po sya ng pinsan ko— Angel Locsin (@143redangel) March 25, 2020
Isang fan pa ulit ang nagtanong @AteDaaar: "Di na mauulit ha. Pinky promise? Hahaha"
Di na mauulit ha. Pinky promise? Hahaha— 𝔻𝕒𝕣𝕝𝕖𝕟𝕖 (@AteDaaar) March 25, 2020
"Naka-ilang eleksyon na rin naman pong hindi naulit," sagot ng Kapamilya star.
Naka-ilang eleksyon na rin naman pong hindi naulit 😌— Angel Locsin (@143redangel) March 25, 2020
Ahhh ehhh 😂 pic.twitter.com/90mb1vff3z— 〰️▪️〰️ (@Champppppp6) March 25, 2020
0 Comments