Ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, isang lalaking medical staff ang ngayon nagpapagaling matapos siyang sabuyan ng bleach dahil sa pag-aakalang mayroon siyang COVID-19 sa Tacurong, Sultan Kudarat.
Sinabing pauwi umano ang naturang frontliners mula sa trabaho sa St. Loius Hospital nang mangyari ang insidente.
Tinamaan ang mata ng lalaki, pero ligtas na siya ngayon nang bigyan ng antibiotic eye drops.
0 Comments