Isang concerned citizen ang nagbahagi ng litrato ng mag-amang nasa lansangan na pumukas sa emosyon ng mga netizens. Paano naman sila? Makikita sa ibinahaging litrato na inilagay ng ama ang facemask sa kanyang anak habang siya ay walang proteksyon.
Photo source: Cee Clark / Twitter
Marami ang bumilib sa pagmamahal ng ama sa kanyang anak. Gayunpaman, marami ang nabahala sa kaligtasan ng dalawa lalo na't walang pambiling bitamina o kayay proteksyon sa kanilang mga katawan.
Ayon sa pagsusuri kalimitang tumatama ang COVID-19 sa taong may edad na na mabilis kumakalat ang virus lalo na't may iniinda nang sakit.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 140 kaso ng confirmed kaso ng COVID-19 sa bansa. Kabilang na dito ang 12 na nasawi.
0 Comments