Latest News

Pinay OFW sa Switzerland na naging positibo sa COVID-19 ibinahagi ang kanyang karanasan sa nakakamatay na sakit


Isang pinay OFW sa Switzerland ang nagpositibo sa COVID-19 at ngayon pinag-uusapan ang kanyang video na ibinahagi niya sa social media.

Kwento ni Lisa, nagsimula lamang ang kanyang karamdaman sa simpleng sakit ng ulo at panunuyo ng lalamunan at palagi siyang nauuhaw.





Sumunod na daw dito ang pagkakaroon niya ng lagnat. Doon na naalarma ang kanyang amo at sinamahan siyang pumunta ng ospital.

Maswerte siya dahil siya'y may mabait na amo at siya'y pinagmalasakitan, nong ipa-test nagpositibo sa COVID-19 si Lisa.

Habang hinihintay ang resulta, minarapat na hindi na muna siya bumalik sa kanyang trabaho.

Nawala narin ang lagnat ni Lisa bago paman dumating ang resulta ng test.



Ngunit nang dumating ang resulta ng test, tinawagan na lamang siya ng kanyang amo na bumalik sa ospital dahil positibo siya sa COVID-19.

Laking gulat ni Lisa dahil hindi naman siya masyado lumalabas ng bahay, hindi niya akalaing tatamaan siya ng naturang virus.

Ang suspetsa niya, maaring nakuha niya ang naturang sakit sa mga bisita ng kanyang amo. Nabanggit din niya na walang kasiguraduhan na ang pagsusuot ng mask ay magiging ligtas kana sa nakakamatay na virus.

Payo niya na mainam gawin ay ugaliin ang paghuhugas lagi ng mga kamay at paglilinis ng kapaligiran 

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.