Latest News

Tuyong dahon ng talisay, naibebenta ng P49 kada sampung piraso online

Nag-trending kamakailan sa social media ang damong ligaw na makahiya. Naibebenta kasi ito sa bansang Canada ng mahigit $7 o P400. Napag-alaman kasing mahirap magpatubo nito sa nasabing bansa at kinikilala nila ang benepisyo nito sa kalusugan ng tao.



Ngunit hindi lamang sa Canada malakas ang bentahan ng mga halaman. Sa Pilipinas, patok ngayon online ang pagbebenta ng tuyong dahon ng talisay. Marami daw ang bumibili nito dahil malaki raw ang pakinabang nito sa pag-aalaga ng isang uri ng isda.Larawan mula sa YouTube video ng GMA Public Affairs
Sa isang panayam na ginawa ng GMA Public Affairs, inilahad ng online seller na si Kerwin Anne Reyes na isa sa mga mabentang produkto sa kanyang negosyo ay ang dahon ng talisay. Matagal na raw na may puno ng talisay sa kanilang bahay ngunit hindi naman daw niya iyon pinapansin.

Minsan daw ay nakita niyang mayroong nagpupulot ng dahon sa kanilang harapan. Nagtataka raw siya kaya tinanong niya kung saan gagamitin ang dahon. Sinabi raw ng nagpupulot na ilalagay niya sa aquarium. Doon na raw gumawa ng research si Reyes at napag-alamang ginagamit ng mga fish breeders ang tuyong dahon ng talisay sa pagpapalaki ng betta fish.



Ginagamit daw ang dahon ng talisay o sunbaked talisay leaves catappa sa pagpapalaki ng betta fish o Siamese fighting fish. Ito ay maliliit, makukulay na isdang may mahabang buntot na ibinebenta naman ng P3,000 hanggang P15,000.

Naktutulong daw kasi ang dahon ng talisay sa pagkokondisyon ng mga betta fish. Mas madali rin daw makapag-breed kapag ang dahon ng talisay ang pinakakain. May epekto rin umano sa pagpapalit ng kulay ng betta fish ang pagkain nila ng sunbaked talisay leaves.

Larawan mula sa YouTube video ng GMA Public Affairs
Masaya naman si Reyes dahil literal na nahuhulog lang sa kanyang harapan ang pera dahil sa mga dahon ng talisay. Ibinibilad niya lamang daw ang mga dahon at kinabukasan ay dine-deliver na sa mga umorder nito. P49 kada sampung piraso ng tuyong dahon ang benta niya sa mga ito.



Dahil wala namang puhunan sa pagpapatuyo ng dahon ng talisay, madalas din siyang magbigay ng free packs ng mga dahon ng talisay sa kanyang mga parokyano lalo na raw kung maraming dahon ang nalaglag mula sa puno.

Source: YouTube

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.