Latest News

Batang pinoy nurse ang pumanaw matapos ang 12 oras na trabaho dahil sa COVID-19

Subrang nanlumo ang ina ng batang pinoy nurse sa United Kingdom na si John Alagos,23, pagkatapos itong pumanaw dahihl 12 oras niyang shift sa ospital na kanyang pinagtatrabahoan. 






Ayon sa ulat ng The Dailymail, si Alagos ang pangatlong nurse ang pumanaw dahil sa COVID-19, bigla nalang daw itong nawalan ng malay sa kanyang kwarto. Sinubukan pa daw ng kanyang ina na si Gina Gustilo na pauwiin ang anak ng malaman nitong masama ang pakiramdam. Sinabi ng ina na nakasuot naman siya ng PPE ngunit ang sa pagkakaalam niya ay ordinaryong mask lamang ang gamit ng anak.




Dahil dito pinaniniwalaan na COVID-19 ang ikinamatay nito.

Agad namang nadala sa ospital ang batang nurse ngunit huli na rin ang lahat. Nabanggit din ng ina na walang ibang karamdaman ang anak na maaring dahilan ng biglang pagpanaw.

Samantala, mariing itinanggi ng Watford General Hospital ang hindi nila pagpapauwi kay John gayong masama na ang pakiramdam nito.

“Our staff are fully briefed on the symptoms of COVID-19 and we would never expect anyone to remain at work if they were showing these symptoms or indeed were unwell in any way. We have always kept our staff updated on the latest PPE guidance to make sure they have the right level of protection. John was very popular and will be missed greatly,” ang bahagi ng pahayag ng naturang ospital. 






Samantala, maroon nang 47,806 na mga positibong kaso ng COVID-19 base sa huling naitala noong April 5, at may 4,934 na ang pumanaw.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.