Latest News

Mayor Emeng Pascual muling magbibigay ng tig-iisang sakong bigas at isang libo sa bawat pamilya



Naging viral ang pangalan ni Mayor Emeng Pascual ng Gapan City, Nueva Ecija kamakailan dahil umano sa tig-iisang sakong bigas at ulam na ipinamimigay niya sa bawat pamilya. Marami ang humanga sa Mayor hindi lamang sa kanyang lugar kundi sa mga tao sa iabt-ibang bahagi ng lugar sa Pilipinas.




Ang isang sako ay naglalaman ng 50kg na bigas na maaring umabot ng matagal na panahon habang umiiral ang lockdown. Bukod pa sa isang sakong bigas may mga canned goods at groceries na ipinamahagi ang alkalde. Sa kanyang Facebook account si Mayor mismo at ang kanyang mga tauhan ang nagdadala sa bawat bahay ng sako-sakong bigas.



Pero dahil extended ang lockdown, muling inanunsyo ni Mayor Emeng na magbibigay ulit sila ng tig-iisang sakong bigas sa bawat pinto at may isang libong kasama ang bawat pamilya. Ayon sa kanyang Facebook live, lahat ay bibigyan at hindi na kailangan ang lista-lista.

Sa kaniyang Facebook live, ipinasilip ng Mayor kasama ang kanyang mga konsehal ang mga perang ipamamahagi sa bawat pamilya ng Gapan City.



No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.