Latest News

Tricycle driver ginamit ang nakuhang Php2K-Covid aid para sa BBQ business,kumikita na ng Php1,200 kada araw



Talagang hinangaan ang tricycle driver na ito dahil sa pagiging wais sa buhay at ginamit ng husto ang nakuhang ayuda galing sa gobyerno. Nag-umpisa siya ng kanyang barbecue business na ngayoy kumikita na di umano ng Php1,200 ka da araw.

                    Photo credit: Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News / CFO PESO SENSE / Facebook

Samantala nakakalungkot lang na mababalitaan natin ang ibang mga beneficiaries na pinangsusugal o kaya'y pinambibili lng ng droga ang mga natanggap na ayuda galing sa gobyerno.

Viral ang kanyang litrato ngayon na nagbigay naman ng inspirasyon sa marami at kahit papano napalitan naman ng magandang balita ang mga kagaya niya na ginagamit ng husto ang mga natatanggap na tulong galing sa gobyerno. 



Si Samad Maulana ng Brgy. Culiat, Quezon City ay isa sa mga apektado ng ECQ dahil hindi  na makapamasada. Ang Php2K cash aid na natanggap niya galing sa gobyerno ay ginamit niyang pangumpisa ng kanyang barbecue store at ngayo'y kumikita na ng Php1,200 a day.

Maraming netizens naman ang natuwa:

“Ito ang masarap tulungan. Good job ka jan Kuya!” sambit ng isang nag komento.

“More ayuda para Kay kuya, money was not wasted, good job po,” ayon sa isa pang nagkomento.

“God bless kuya…. Kahangahanga Ang Iyong kaisipan dahil d mo binalewala ang paghihirap ng iba para ma bigyan ka ng pera… At ngayon etoy pinaparami mo pa… God bless kuya…” 


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.