Latest News

Isang empleyado naglakad mula Cavite hanggang sa opisina nila sa Makati para makapagpa-rapid test, makapasok sa trabaho

Namataan ng GMA news ang isang 36-taong gulang na lalaki ang nag-lalakad sa kahabaan ng Parañaque. Ayon sa kanya dalawang oras na siyang naglalakad mula Cavite patungo sa opisina nila sa Makate.


Naka schedule kasi siyang sumailalim sa rapid test noong Martes, June 2, requirements daw bago makapasok sa pinagtatrabahuang construction company.

Ayon kay Leonel, hindi naman umano siya maaring umangkas sa motor dahil alam niyang ipinagbabawal pa ito at mas piniling maglakad na lang.

“Magpapahatid sana ako [kaya lang] bawal naman ang angkas, eh. Kaya naglakad na lang ako,” ani Leonel.


“Sakit ng paa ko,” pabirong daing niya.

Nang tanungin kung hindi ba siya natatakot sa kanyang kaligtasan gayung madidilim ang mga daan at mag-isa lamang siyang naglalakad simula ng madaling araw, natatawang hugot ang kanyang sagot.

“Wala naman silang makukuha sa akin,” aniya. 

Source: GMA News/ YouTube

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.