Latest News

ABS-CBN President Carlo Katigbak issued statement after franchise denial

Following the ABS-CBN's franchise bid rejection, ABS-CBN president Carlo Katigbak released a heartbreaking statement. In his statement,  Katigbak was seen emotional in a short message posted on  Kapamilya Online World Facebook page. 

Photo source: Kapamilya Online World / Facebook / Video


Here's his full statement:

"Labis po kaming nasasaktan sa desiyon ng House Committee on Legislative Franchises na tanggihan ang franchise ng ABS-CBN. Naniniwala kaming nakapagbigay kami ng serbisyong makabuluhan at mahalaga sa mga Pilipino. 

"Gayunpaman, nagpapasalamat kami sa komite para sa pagkakataong maipahayag ang aming panig sa mga isyu laban sa amin. Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa aming sponsors na nanindigan para mabigyan kami ng prangkisa at sa mga mambabatas na nagsalita para sa amin sa mga pagdinig. Habambuhay kaming nagpapasalamat sa inyo. 

"Nagpapasalamat din kami sa lahat ng nagpahayag ng suporta at nag-alay ng dasal para sa amin. Hindi namin kakayanin ang lahat ng ito kung wala kayo.

Mananatili kaming nakatuon sa serbisyo publiko at umaasang makakahanap ng ibang paraan para tuparin ang aming misyon. Kasama ang aming mga empleyado, karamay niyo kami sa kalungkutan. Inaasahan namin ang araw na tayo ay magkakasamang muli. 

"Mga Kapamilya, maraming salamat na patuloy kayong nagtiwala, sumuporta, nagdasal at lumaban kasama namin. May natanggap akong mensahe sa social media na nagsabi, "Kapit lang, muling magliliwanag ang kuwento ng bawat Pilipino," He said.


Photo source: Kapamilya Online World / Facebook

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.