Latest News

Jang Lucero: 3 pasahero ang nakuhanan ng CCTV bago nakitang tadtad ng saksak ang babaeng driver sa Laguna

Sa report ng GMA News "24 Oras", ipinakita sa unang pagkakataon ang mga kuha ng CCTV bago ang karumal-dumal na krimin sa Laguna. Kita sa CCTV footage ang mga mukha ng tatlong pasahero na isang babae at dalawang lalaki. 


Isang alyas "Althea" naman ang itinuturong nagplano sa pagpatay sa biktima na tadtad ng 52 saksak.



Sa mga anggulong kuha ng CCTV, makikitang tumigil ang kotse ng biktima sa isang fastfood at sumakay ang talong pasahero. Ayon sa report, umupo ang dalawang lalaki sa likuran at sa tabi naman ng biktima ang babaeng pasahero.

Makikita din sa video ang isang kotseng asul na tumigil sa gilid ng kalsada at bumaba ang tatlong pasahero ni Lucero patungo sa fastfood kung saan sila sinundo ng biktima. 

Ito din yong kotseng nahagip sa kamera na sumunod sa sasakyan ng biktima nang maisakay ang tatlong pasahero.


mahalaga ang kuha ng CCTV ayon kay Police Colonel Serafin Petalio, Provincial Police Director ng Laguna dahil nakapagbigay ito sa kanila ng mahahalagang impormasyon bago ang pangyayaring pagpaslang.

Ayon sa imbestigasyon, may indikasyon umano na hinawakan ng isang salarin ang isang braso ni Lucero dahil nagkaroon ito ng bali, at isang pang salarin ang sumaksak.

Ayon sa mga pulis sila ang huling pasahero ni Lucero bago nakita na wala ng buhay ito.


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.