Latest News

John Regala, may sakit na liver cirrhosis at kinumpirmang siya ang lalaking nasa viral na larawan

Nagviral ang larawan ng payat na aktor na si John Regala na tinulungan ng isang delivery rider. Makikitang nakaupo si John sa isang bangko sa gilid ng bangkita habang may hinihintay umanong tulong medikal sa Pasay City.




Ayon sa report ng GMA News "24 Oras" napag-alaman din na may sakit na liver cirrhosis ang aktor.

Ayon sa panayam ng GMA News sa barangay health worker na si Rose Villajin, 15 araw na raw itong hindi nakakain dahil hindi tinatanggap ng kaniyang sikmura ang kaniyang kinakain dahil sa sakit.

Bukod sa iniindang sakit, may pinagdadaanan pa umano ang aktor dahil sa pagpanaw kamakailan ng kanyang ina at problema sa pera.

Nasa pamamahala umano ng Iglesia ni Cristo ang aktor at tumutuloy sa pabahay nila sa Quezon City.

Nagpapalakas daw umano si John para muli siyang makabalik sa pag-arte kung mabibigyan ng pagkakataon.




No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.