Latest News

John Regala namataan ng netizen na humihingi ng tulong sa kanto ng Pasay

Nagviral sa ngayon ang mga larawan ng aktor na si John Regala na ayon sa uploader ng naturang larawan ay humihingi ito ng tulong. 




Namataan ni Carl Nathan si John Regala sa bahagi ng  Pasay City na ayon sa kanya ay nahihilo at utal na sa pagsasalita na humingi ng tulong sa kanya.

"Siya po Si Mister John Regala Ang sikat na kontra bida humingi nang tulong po kase nahihilo siya may hinahanap siya na nurse.

"Ang kaso di ko po siya maintindihan kase po medyo utal na po magsalita dahil nahihilo po siya kaya humingi siya nang tulong saken at agad Naman po akong lumapit sa mga tanod at pulis na para matulungan dito po siya sa lugar nang BRGY.183 PASAY CITY tapat nang lots a pizza .



Photo credit: Carl Nathan Facebook
                           

"Masakit lang isipin na Ang dating idolong kontra bida ay NASA ganyang kondisyon. Kaya mas minabuti ko munang Hindi umalis hanggat di pa siya naaasikaso kahit na ako'y may deliver pa maraming salamat sa mga tanod at health worker na tumulong," ito ang pahayag ni Nathan sa kanyang Facebook post.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.