Hot Posts

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Sariling anak at nobyo ang suspek sa babaeng 4 na taon nang nawala at ibinaon sa septic tank ang bangkay sa Dasmariñas

Pagkatapos ng apat na taon na pagkawala ng isang babae sa Dasmariñas City, natagpuan na ito na walang buhay sa loob ng septic tank. Ayon sa ulat ng 24 Oras, ang suspek sa karumaldumal na krimen ay ang mismong anak ng biktima at nobyo nito.


Taong 2016 pa umano na nawawala ang biktimang si Maria Evelyn Sayos, 54. Ngunit, sa panahong iyon ay sinabi ng anak nitong si Joanna Marie Sayos sa kanyang mga kapatid na pumunta umano ang kanilang ina sa Singapore dahil nagtampo daw ito.

Taon-taon ay may text naman daw na natatanggap ang mga anak nito tuwing may birthday o espesyal na okasyon. Taong 2018 ay pormal nang inireport sa pulisya ang pagkawala ni Evelyn.

Dahil sa isang impormasyon na ibinigay sa pulisya kung kayat inimbitahan ang anak na si Joanna at ang nobyo nito upang maka-usap. Umamin naman ang anak sa nagawang krimen sa mismong nanay.

Ayon sa kwento ni P/Lt. Col. Richard Ang, nangyari daw ito ng niloko ng magkasintahan na may surpresa silang dalawa para kay Evelyn. Dito na hinampas ng martilyo ng nobyo si Evelyn at inutusan pa umano ni Joanna na kumuha ng kutsilyo ang nobyo at tuluyan nang kitilin ang buhay ng kawawang biktima.

Mayroong septic tank sa loob ng bakuran nila na hindi pa tapos at doon nila nilagay ang katawan ng biktima bago ito senemento. At sa tuwing nangangamoy daw ito ay dinadagdagan nila ang semento para kumapal.

Sa sinumpaang salaysay ng anak idenitalye nitong may matinding galit daw ang nobyo nito sa nanay niya.

Post a Comment

0 Comments

Comments

Ad Code