Latest News

Tulfo nagbabala kay Janella pag nag-demanda ito sa dating PA

Nagpakita ng buong suporta si Raffy Tulfo sa dating personal assistant ni Janella Salvador sa ikalawang interview nito. Inireklamo ni Michelle Pelongco ang kapamilya actress sa hindi umano nito pagbayad sa kulang na sweldo na P3,600 na pinagtrabahuhan niya mula June 1 to 12.


Bumwelta naman ang kampo ng aktress sa pamamagitan ng Twitter post at pinasinungalingan nito ang nasabing sumbong laban sa kanya.

“If you're gonna twist the story in your desperate attempt to get money from me... sorry, hun. 3.6K is small and I would gladly give it to someone who deserves it. Not worth my time,” she wrote on Twitter. Read more: https://kami.com.ph/115905-raffy-tulfo-sends-strong-message-janella-salvador-issue-pa.html


Sa pangalawang pagkakataon, muling inimbitahan si Michelle Pelongco para magbigay ng kanyang panig hinggil sa statement ni Janella sa Twitter at mariing pinabulaanan nito ang lumalabas na issue na tila namemera umano ito.

“Hindi po totoo 'yon kasi kinukuha ko lang ang sahod ko,” pahayag ni Pelongco. “Hindi po totoo ’yon. Alam po ’yon nu’ng mga kasama sa bahay. Kulang po ang binigay n'ya sa akin.” 

Inabunuhan na ni Raffy ang kulang na sahod at sinabing bibigyan niya ng P5000 si Pelongco. Samantala naglabas din ng hamon si Raffy na kung sakaling magdemanda man ang aktress laban kay Michelle ay s'ya na mismo ang makakalaban nito.


“Consider this case closed maliban na lang kung nagdemanda si Janella. Then, parang lilitaw na kaming dalawa ang magde-demandahan dahil come what may, kahit saan makarating, hindi ko bibitiwan ’tong si Michelle. Gagastusan ko ’to para sasanggahin 'yong demandang ikakaso ni Janella dahil sa pagsumbong sa amin.”

Sa huli, ang mensahe ni Raffy sa aktress, “Kapag nagka-demandahan lalong lalaki ang kaso,” paliwanag n'ya. “Para sa akin, dehadong-dehado ka dito, Janella. So, if I were you, tutal nabayaran ko naman na [’yong P3,600], keep quiet ka na lang para hindi na lumaki ang problema. Let it die the natural death, ’ika nga.”


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.