Latest News

Babae sa Sagay, Negros Occidental malaki ang paniniwala na ang lalaking palaboy sa dalampasigan ng Leyte ay ang asawang seaman na 10-years ng namatay ng lumubog ang barkong sinasakyan

 Isang residente ng Sagay City, Negros Occidental na si Jennifer Emnace ay malaki ang paniniwala na ang lalaking palaboy-laboy sa dalampasigan ng San Franciso, Southern Leyte ay ang asawa niyang akala nila'y sampung taon ng namatay.




Sa ekslusibong interview ng Bombo Radyo kay Mrs Emnace, 46 ang edad, na noong August 7, 2010 ng malunod ang MV Shipper na sinasakyan ng kanyang asawa na si Nomer bilang Seaman.


Ayon sa kanyang pahayag, bago pa malunod ang barko sa karagatan ng Marinduque, nakatawag pa si Nomer sa mga magulang para ipaalam ang kanyang sitwasyon ngunit ilang minuto lang ay hindi na ito ma contact.





Batay naman sa mga survirors na kasamahan ni Nomer, itinali nila si Nomer sa  kahoy ngunit bigla na lang itong nawala at pinaniniwalaang naanod at nalunod.


Ngunit nitong August 24, 2020, may ipinasang link ang kumare ni Jennifer galing sa isang post ni Lisa Mike Corporal na naka tag sa facebook group na Raffy Tulfo In Action na may isang lalaking apat na taon ng palaboy-laboy sa kanilang lugar.


Sabi ni Corporal na nananawagan ito sa pamilya ng lalaki dahil nakakaawa ito at laging nagugutuman kung hindi mabigyan ng pagkain.


Nang makita ni Jennifer ang mukha ng lalaki, hindi ito nag dalawang isip na ito nga ang kanyang asawa.





Dahil dun, kinontak agad ni Jennifer si Corporal at tinanong kung may peklat ito sa kanang kilay at bukol sa paa.


Kinonfirm ito ni Corporal na meron nga kaya mas lumakas ang kutob ni Jennifer na ito nga kanyang asawang si Nomer.


Sabi ni Jennifer na nag videocall sila noong August 27 sa tulong ni Corporal at kinanta nito sa lalaki ang theme song nila ni Nomer na "I Swear by All 4 One".


Nagulat si Jennifer nang kumanta rin ang lalaki at dahil don hindi nya mapigilang umiyak.


Sabi ni Jennifer na nang makita sya ng lalaki na umiiyak, tumulo din ang luha nito.


Nakipag videocall din daw ang ina ni Nomer at ang lalaki ay pawang nagsasalita ng "MAMA" ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang bibig.





At dahil dito, 100% ang paniniwala ni Jennifer na ito nga ang pinakamamahal na asawa at ama ng apat nilang mga anak na hindi ito patay at nasa Southern Leyte lang napadpad.


Sa ngayon nasa Montalban, Rizal si Jennifer para i-process sana ang death certificate ni Nomer pero napagdisisyunang hindi na ito ituloy.


Sabi niya, pagkatapos ma process ang medical at travel pass sa Sabado, pupunta agad ito sa Southern Leyte upang personal na makita ang pinaniniwalaang kanyang asawa.


Source:  Manong Sagaynon, Bombo Radyo

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.