Latest News

China Roces, Tim Sawyer nagviral ang matinding away sa socmed

 Naging mainit ang bangayan ng dalawang mag-asawang YouTuber na sina China Roces at partner nitong si Tim Sawyer.




Sa live video ng dating FHM model na si China, ibinunyag nito ang kalokohang ginagawa ng partner na si Tim.


Ayon kay China, hindi na sila nakagawa ng video ngayon dahil sa malaking problema nilang mag-asawa sa pera. Ibinuking ni China na nagtatago umano ng pera si Tim sa kanilang milyon-milyong kinita.



"Ang sabi niya kanina sa kanya lang daw 'yung pera pinaghirapan niya daw yon mag isa, wala daw akong karapatan doon, so bakit siya mag aambag dito sa bahay, bakit daw siya gagastos, bahay ko lang naman daw to, kotse ko lang naman daw to," ayon kay China.


Maririnig din si Tim na sumasagot, at sinasabing sariling page niya naman daw ang kumita ng ganong kalaking halaga.


Matapos pagpiyestahan sa social media ang naturang video, agad namang binura ito ni Tim sa kanyang Facebook account ngunit marami sa mga netizens ang nakapag save ng kopya.


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.