Latest News

Misis, kumanta ng paboritong awitin, lalaking palaboy sa Leyte na pinaniniwalaan niyang ang kanyang nawawalang asawa sumabay din sa pagkanta

 Lalong lumakas ang paniwala ng isang netizen na si Liza Corporal na ang lalaking napadpad sa kanilang lugar sa Southern Leyte ay asawa nga ni Jennifer "Nenen" Emnace. Ayon sa ulat ng Aksyon Radyo Iloilo sa panulat ni May Ortega, nasaksihan ni Corporal di umano ang pag-uusap nina Nenen at ng lalaking pinaniniwalaang ang nawawalang asawa nito na si Nomer "Nonoy" Emnace.





Sa kanilang pagkikita online, kinantahan pa di umano ni Nenen ng kanilang paboritong awitin ang lalaki na "I Swear" at nabigla siyang sumabay umano ang lalaki sa pag-awit. "Kinanta ni Nenen, nag duet sila. Feel na feel niya ang kanta," pahayag ni Liza.



Nabigyan din nang pagkakataon na maka video call ni Nonoy ang ina, at nang tanungin ito kahit na walang boses ay binigkas umano nito ang "mama" ayon kay Liza.



Marami pang ibang palatandaan ang magpapatunay umano sa pagkakakilanlan ng kanyang asawa. Kabilang dito ang kanang bahagi ng kilay ng asawa na hindi tinubuan ng buhok, peklat sa noo at ang bukol sa hinlalaki nito sa paa.



Unti-unting nagsasalita na di umano ang lalaki, hindi katulad noon na palagi umano itong tulala at hindi makausap.



Marami sa nga netizens ang nagbahagi ng komento at kumbinsido din na ang lalaki ay ang asawa ni Nenen na nawala ng mahigit sampung taon ang nakalilipas.



Dahil sa lockdown hindi kaagad mapuntahan ni Nenen sa Southern Leyte ang lalaki. Binabalak din umano nito na magpa DNA test pagmagkita sila para makumpirma nang tuluyan kung ito na nga ba si Nomer. 


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.