Latest News

Teddy Corpuz may panawagan sa mga online schools: "Hinay-hinay lang po sa mga requirements"

 Hindi lamang mga ordinaryong magulang ang umaaray sa online schooling ng mga bata ngayong pandemya, isa narito ay ang "It's Showtime" host at founder ng bandang Rocksteddy na si Teddy Corpuz. 




Sa kanyang Tweet kamakailan, hiling ni Teddy sa online shools na mag hinay hinay lang sana sa pagbibigay ng mga assignments specially sa mga elementary level. 


"Dear on line schools, hinay hinay lang po sana sa pagbibigay nang mga assignments specially sa mga elementary level. Give time sa mga bata para masanay mag type sa keyboard, open & save files, search sa internet etc. Kaming mga parents nga nalilito ano pa yung mga anak namin," ayon kay Teddy.


Ibinahagi din ni Teddy sa kanyang Twitter account ang hinaing ng isang ina na umaaray din sa online class. 



"First week palang ng klase ng dalawang anak ko grade 1 and 5, 1 am na kami straight in 5 days natutulog kasi working parents kami and we only have time pag uwi to assist them," sambit ng isang ina. 


Sa isa pang tweet ni Teddy, ibinahagi niya rin ang kalituhan sa distance learning, maski siya'y isang B.S. computer Science graduate. 



"Kung ako nga nalilito sa online class nang anak ko, ano pa kaya yung mga bata? Ps. I graduated B.S in Computer Science, we made programs, games, tech stuff etc. I shoot and edit our own music videos. knows finalcut, photoshop, AE, Ai, Corel Draw, AutoCAD, Logic Pro, etc."

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.