Latest News

Lalaki, pumanaw nang paghahampasin ng walis tingting ng kaibigan sa Pangasinan

 Napatay ng isang lalaki ang kanyang kaibigan gamit ang walis tingting sa Pangasinan.





Ayon sa ulat ng GMA Regional TV, nagalit at kinompronta ng biktima si Rolly Arozza, 25, ng Barangay Ligue, Bayambang,Pangasinan, ang kaibigang suspek na si Orland Aranio dahil sa malakas na pagpapatugtog nito ng radyo.



Nauwi sa pagtatalo ang dalawa kung saan pinagpapalo ng suspek ng walis tingting sa ulo at leeg ang biktima. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimasa pinsalang tinamo sa ulo.




Ayon kay Aranio, hindi niya sinasadyang mapatay ang kaibigan at nagdilim lang daw ang kaniyang paningin. Tinulungan pa raw niya si Arozza na bumangon ng bumagsak na ito at pinainom ng tubig sa pag-asang magkakamalay pa.


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.